KASO | Pagsasampa ng kaso sa nag-supply ng mga bala na ginamit sa Maguindanao Massacre, kinatigan

Manila, Philippines – Kinatigan ng Court of Appeals ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na kasuhan ang apat na opisyal ng kumpanyang Armscor.

Dahil ito sa iligal na pagbebenta ng mga bala na sinasabing ginamit sa Maguindanao massacre noong 2009.

Ibinasura ng CA Special 17th Division ang apela ng Arms Corporation of the Philippines o Armscor sa pangunguna nina Victor Karunungan, Eduardo Santos, Lyn Demartin Justo, at Melva Valdez Libao


Kinuwestiyon ng mga ito ang resolusyon ng DOJ noong May 13, 2011 at October 11, 2013 na nagsasabing may probable cause ang reklamo laban sa kanila.

Sa record ng Korte, lumabas na matapos ang serye ng raid ng mga otoridad matapos ang November 23, 2009 Maguindanao massacre, natuklasan na ang mga baril na ginamit ng mga suspek ay pag-aari ng ng PNP.

Ayon sa PNP Criminal Investigation and Detection Group, ang mga bala mula sa Armscor ang ginamit sa masaker at ito ay nagkakahalaga ng 20-million pesos.

Facebook Comments