KASO | Plunder case, pinababasura sa Sandiganbayan

Manila, Philippines – Ipinababasura ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa Sandiganbayan 1st division ang kanyang plunder charges kaugnay sa pork barrel fund scam.

Sa 57 pahinang mosyon, hiniling ni Revilla na makapag-leave para makapaghain ng demurrer to evidence noong November 28.

Ayon kay dating Solicitor-General Estelito Mendoza, abogado ni Revilla, ito ay dahil nabigo ang Office of the Ombudsman na patunayang tumanggap siya ng 224.5 million pesos na kickbacks.


Tangi aniyang si Richard Cambe, chief-of-staff ng dating senador at negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang idiniriin ng Ombudsman sa ebidensya nito.

Facebook Comments