Kasong administratibo laban kay dating DOH Duque kaugnay ng sinasabing anomalya sa COVID-19 supplies, binasura ng Ombudsman

Binasura ng Office of the Ombudsman (OMB) ang reklamong  administratibo laban kay dating Health secretary Francisco Duque III kaugnay ng sinasabing anomalya sa pagbili ng COVID-19 supplies na nagkakahalaga ng P41.4 billion noong 2020.

Partikular ang mga kasong Grave Misconduct, Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service at Gross Neglect of Duty.

Ito ay matapos na katigan ng Ombudsman ang consolidated motion for reconsideration at supplement ng kampo ni Duque.


Ayon sa Ombudsman, hindi na subject ng administrative complaint ang dating kalihim dahil nagtapos na ang termino nito sa DOH kasabay ng pagtapos ng termino ni dating  Pangulong Rodrigo Duterte noong June 30, 2020.

Facebook Comments