Kasong administratibo na kinasasangkutan ng mga pulis sa Central Visayas, bumaba

Iniulat ng Police Regional Office (PRO) 7 Central Visayas na bumaba ang bilang ng mga pulis na nadadawit sa kasong administratibo sa kanilang rehiyon.

Sa ulat ni PRO 7 Director, Brig. Gen. Roderick Augustus Alba na nakarating sa Camp Crame, sinabi nitong noong 2021 ay nasa 99 na mga pulis ang nahaharap sa administrative case habang nitong 2022 ay bumaba ito sa 85.

Sa nasabing bilang 72 kaso ang naresolba na kung saan wala rin aniya silang backlog na kaso.


Kasama sa kasong administratibo na kinasasangkutan ng ilang pulis ay grave misconduct, neglect of duty at conduct unbecoming of a police officer.

Tiniyak pa ng opisyal na magtutuloy- tuloy ang isinasagawa nilang internal cleansing upang patuloy ring tumaas ang efficiency rate ng mga kapulisan sa rehiyon.

Facebook Comments