Kasong cyber libel laban kay Ressa at kasama nito, ibinasura ng Manila RTC

Ibinasura ng Manila Regional Trial Court Branch 24 ang kasong cyber libel laban kay Rappler CEO Maria Ressa at sa reporter na si Rambo Talabong.

Kaugnay ito sa umano’y thesis-for-sale scheme na isinampa ng isang propesor mula sa De La Salle-College of Saint Benilde na si Ariel Pineda.

Ayon sa counsel ng Rappler na si Theodore Te, naghain na ng affidavit of desistance si Pineda na nangangahulugang iniaatras na nito ang kaso.


Sa ngayon, panawagan ni Te na itigil na ang pagturing na kaso ang libel dahil sayang lamang ito sa panahon at dapat nang protektahan ang mga mamamahayag sa bansa.

Facebook Comments