Kasong estapa at qualified theft laban sa dating opisyal ng PDP-Laban, inihain ng Cusi faction

344

Sinampahan ng reklamong estapa at qualified theft ng paksyon ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi ang dating PDP-Laban national treasurer na si Evan Rebadulla.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Cusi faction, hindi na-report at nag-account ni Rebadulla ang pondo ng partido na nagastos sa ilalim ng kaniyang termino.


Anila, kasama rito nasa P100 milyon na membership fee para sa P100,000 miyembro.

Nabatid na Agosto 6 nang pormal na ihain ng PDP-Laban ang ang kaso laban kay Rebadulla.

Facebook Comments