Kasong graft laban kay Gov. Alvarez, ibinasura

Dahil sa kawalan na ebidensiya , ibinasura ng Second Division ng Sandiganbayan ang kasong graft na kinakaharap ni Palawan Gov. Jose  Alvarez at dalawang iba pa.

Bukod sa gobernador ay dinismis din ang kaso laban kay Lorenzo Jamora, dating Chairman ng Local Water Utilities Administration at Gaspar Gonzales, Jr., dating General Manager ng Cagayan de Oro City Water District.

Batay sa desisyon, walang sapat na ebidensiya ang kasong isinampang ng isang anonymous complaint, mula sa isang abogado na nagpakilalang “Juan Dela Cruz,” at isang Michelle Fox, na residente ng San Vicente, Palawan.


Pinaratangan ni Dela Cruz at Fox si Alvares at ilang miyembro ng Board of Directors ng Cagayan de Oro City Water District na lumabag sa anti-graft law makaraang i-award ang Bulk Water Supply Project sa Rio Verde Water Consortium Inc.

Sa masusing imbestigasyon ng office of the Ombudsman ay lumitaw na walang ginawang paglabag sa batas si Gov. Alvarez na noong ay negosyante pa lamang.

Sinabi pa ng Ombudsman na walang ‘overt act’ sa panig ni Alvarez na nagpapakita na humingi siya ng pabor, o pinilit niya ang Board of Director para aprubahan ang proyekto kaya tuluyang ibinasura ang kaso.

Facebook Comments