Kasong Graft laban sa mga dating opisyal ng DOE na may kaugnayan sa mahigit P31 billion Malampaya Deal, isinampa na sa Office of the Ombudsman

Isinampa na sa Sandiganbayan ang kasong paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban kay dating energy secretary Alfonso Cusi at ilang opisyal ng Department of Energy (DOE).

Ang naturang kaso ay may kinalaman sa umano’y kontrobersyal na paglipat umano ng mga shares sa Malampaya Natural Gas Project noong 2019.

Ayon sa Tanggapan ng Ombudsman, nakitaan si Alfonso Cusi at ilang opisyal ng Department of Energy ng “Evident Bad Faith” at malaking kapabayaan.

Facebook Comments