KASONG GRAFT | LP Senators Aquino at Pangilinan, ikinatuwa ang hatol na guilty laban kay Congresswoman Imelda Marcos

Manila, Philippines – Binigyang diin ngayon nina Liberal Party (LP) Senators Kiko Pangilinan at Bam Aquino na hindi na pwedeng itanggi ng mga Marcos na nagnakaw umano ang mga ito sa bayan.

Pahayag ito nina Pangilinan at Aquino makaraang ipag-utos ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay dating First Lady Imelda Marcos kaakibat ng hatol na guilty para sa seven counts ng kasong graft.

Umaasa si Pangilinan na paninindigan ng korte ang hatol na ito at hindi magbibigay ng special treatment kay ginang Marcos.


Gayunpaman, ipinunto ni Pangilinan na ang kasong ito ay mula pa sa nagdaang 34 taon na nagpapaktia kung gaano katagal at nakapanlulumo ang sistema ng katarungan sa Pilipinas lalo na kapag maimpluwensya at makapangyarihan ang akusado.

Kahit naman mabagal ang naging development sa kaso ay umaasa si Senator Aquino na ito na ang simula ng pag-usad ng bansa para makamit ang hustisya mula sa diumano ay naging pananampantala ng mga Marcos.

Facebook Comments