Kasong homicide, naisampa na sa 10 pulis na kasama sa anti-illegal drugs operation sa Laguna

Nasampahan na ng kasong homicide ang 10 pulis na kasama sa anti-illegal drugs operation sa Laguna noong nakaraang buwan kung saan dalawang tulak ang nasawi kasama na ang isang menor de edad.

Isinampa na ang reklamo sa City Prosecutor’s Office, kung saan kabilang sa 10 ang pinuno ng Laguna PPO Intelligence Branch na si Police Captain Fernando Credo.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Lorenzo Eleazar, ang pagsasampa ng kaso sa mga sangkot na pulis ay patunay na hindi isinasantabi ng PNP ang mga iregularidad ng kanilang tauhan.


Facebook Comments