Kasong Inciting to Sedition laban sa guro na nag-alok ng P50 milyon sa makakapatay sa Pangulo, ibinasura ng korte

Ibinasura ng isang korte sa Olongapo ang kasong Inciting to Sedition laban sa guro na si Ronnel Mas.

Si Mas ay ang netizen na nagpost sa Twitter kung saan nag-aalok ito ng P50 milyon reward sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Nai-post ang tweet noong May 5, 2020 gamit ang Twitter Account na @ronprince.


Sa utos ni Olongapo RTC branch 72 Judge Richard Paradeza na may petsang June 24, 2020, nakasaad na pinagbigyan ang urgent motion to quash na inihain ni Mas.

Nangangahulugan ito na dismissed na ang kaso laban kay Mas.

Magugunitang, hinuli si Mas sa Zambales ng National Bureau of Investigation o NBI-Pangasinan at dinala sa NBI Headquarters nang walang warrant of arrest at walang kasamang abogado.

Ang pag-amin sa pagkakasala at paghingi ng dispensa sa Pangulo ay ginawa ni Mas sa harap ng media.

Facebook Comments