Tinawag na “depektibo” ng Securitirs and Exchange Commission (SEC) ang inihaing kaso laban sa kanila ng ilang miyembro ng Kapa Ministry.
Ayon kay Sec Chairman Emilio Aquino, mababasura lamang ito dahil maraming sablay sa reklamo.
Nakakatawa aniya na ginawa siyang private respondent habang public respondent sa kaso ang journalist na si Maria Ressa.
Pinuna pa ni Aquino ang hirit na tatlong bilyong piso ng grupo para sa danyos.
Matatandaang sa inihaing reklamo ng Rhema International Livelihood Foundation, iginiit nito na labis na nakapinsala sa marami ang pagpapasara sa Kapa.
Hiniling pa nito na ma-impeach si Pangulong Duterte.
Ipinagtataka naman ni aquino kung bakit sa hukuman idinudulog ang pagpapatalsik sa pangulo gayong kongreso naman ang dapat na humahawak nito.