Kasong inihain sa Ombudsman kaugnay sa Dengvaxia, pagkakataon para matukldukan ang naturang isyu

Para kay dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo First District Representative Janette Garin, ang kasong isinampa sa Ombudsman laban sa kanya at sa iba pang dating opisyal ng Department of Health (DOH) ay daan para matuldukan na ang isyu ng Dengvaxia.

Diin ni Garin, handa silang harapin ang kaso at malinis ang kanilang konsensya dahil ang kanilang desisyon na magpatupad ng school-based dengue vaccination program sa ilalim ng administrasyong Aquino noong 2016 ay suportado ng “hard science”.

Giit ni Garin, nangibabaw ang kanilang hangarin at tungkulin na makapagligtas ng buhay sa gitna ng hamon bunsod ng panganib na hatid ng pagsusulong ng vaccine development na nararanasan ng mga doktor at vaccinologists.


Ayon kay Garin, nagtitiwala sila sa prinsipyo ng hustisya at due process na itinataguyod ng legal system sa ating bansa kaya tiyak na sa bandang huli ay lalabas ang katotohan na magpapatunay na sila ay inosente.

Facebook Comments