Kasong isasampa ng COMELEC laban sa mga nagpakalat ng fake news, plantsado na

Plantsado na ang kasong isasampa ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga nasa likod ng pagpapakalat ng fake news.

Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, pirma na lamang ang kulang para maisampa na ang kaso sa Maynila.

Aniya, tapos na ang naging imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at naipatawag na sa pamamagitan ng subpoena ang mga respondents.


Sinabi ni Garcia na nakahanda na rin ang NBI at sila na lamang ang hinihintay sa paghahain ng kaso.

Tiniyak din ng COMELEC na seseryosohin nila ito upang hindi na maulit pa ang mga ganitong panlilinlang sa publiko

Bukod sa paglabag sa election offense, sasampahan din ng poll body ng kasong cyberlibel ang mga nagpakalat ng fake news sa social media.

Facebook Comments