Kasong isasampa ng PAO kaugnay ng pagpatay kina Carl Arnaiz at Reynaldo de Guzman, pag-iisahin

Manila, Philippines – Pag-iisahin na lamang ng Public Attorney’s Office ang kasong isasampa sa Department of Justice kaugnay ng pagpatay kina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman.

Ayon kay PAO Chief Atty. Percida Acosta, nakatakda na ring magbigay ng salaysay ang mga magulang ni Reynaldo.

Samantala, nagsalita na ang pamilya ni Carl hinggil sa paggiit ng taxi driver na si Tomas Bagcal na talagang hinoldap siya ng binatilyo.


Ayon sa ina ni Carl na si Eva, kahit minsan ay walang record ng masamang gawain ang kanyang anak lalo na’t hindi ito pala-labas ng bahay.

Inihayag naman ni Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta na kadudaduda ang krebilidad ni Bagcal lalo na’t magkaiba ang testimonya nitong inilabas.

Facebook Comments