Kasong isasampa sa kumpanyang pinapasukan ng trabahador na nahulog sa container depot, pinag-aaralan na ng MPD

Manila, Philippines – Pinag -aaralan na ng MPD Homicide Section kung ano kaso ang posibleng isasampa sa may ari ng TMS Management na nagresulta sa pagkamatay ng isang trabahador matapos itong maaksidente mahulog sa isang container depot sa Cristobal Street , Paco Maynila kaninang madaling araw.

Base sa paunang imbestigasyon ni SPO2 Charles John Duran ng MPD Homicide Section kinilala ang biktima na si Carlito De lima, riggerman o taga kabit ng kable ng container van patungo sa crane, namatay matapos mahulog mula sa ibabaw ng inaangat na 40 footer container van.

Nakatakda sanang ilipat ang container van nasa halos 30-40 talampakan na ang taas sa pamamagitan ng isang crane nang aksidnteng maputol o bumigay ang gitnang bahagi ng boom.


Naka-antabay naman ang MPD sa pagpapaliwanag ng TMS Management para ilang detalye ng kaso gaya na lang ng hindi pag hold sa crane operator at hayaan na lamang itong maka alis sa Crime Scene.

Isa pang katanungan para sa mga otoridad ay kung bakit nasa taas ng container van ang biktima na posibleng maging dahilan sa pagka wala ng balanse ng crane kaya ito bumigay.

Wala namang miyembro ng naturang kumpanya ang humarap sa media hinggil sa naturang aksidente.

Facebook Comments