Kasong isinampa laban sa tatlong pulis na pumatay kay Kian delos Santos, dadaan sa proseso ayon sa Palasyo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Palasyo ng Malacañang na dadaan sa tamang proseso ang kasong isinampa ng Public Attorney’s Office laban sa tatlong pulis na sangkot sa pagkamatay ni Kian Delos Santos.
Matatandaan na kahapon ay sinampahan na ng murder at paglabag sa Anti-Torture Law ang tatlong pulis.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat ay manalig ang lahat sa Justice system sng bansa sa ilalim ng Duterte administration, dahil kailangan aniyang sundin ang lahat ng legal na proseso kaugnay sa kaso.
Sinabi din ni Abella na hindi kukunsintihin ni Pangulong Rodigo Duterte ang mga iligal na gawain ng mga pulis at patunay aniya dito ay ang pagsasampa ng kaso laban sa mga ito.
Ayaw din namang magbigay ng komento ng Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard na ang pagkamatay ni Kian delos Santos ay isang murder case.

Facebook Comments