Manila, Philippines – Naniniwala ang Palasyo ng Malacañang na ang pakay ng pagsasampa ng kampo ni Edgar Matobato ng kaso labay kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court ay para ipahiya lamang ang gobyerno sa international community dahil itinaon ito sa ASEAN Summit na ginaganap sa bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang dahilan ng pagsasampa ng kaso ay para maliitin ang gobyerno ng Pilipinas at sirain ang reform-oriented agenda ng administrasyon na pagandahin ang buhay ng mga Pilipino.
Naniniwala din naman ni Abella na hindi naman uusad sa ICC ang kaso dahil batay aniya sa patakaran nito ay kailangang gamitin muna ng kampo ni Matobato ang lahat ng legal na paraan para mapanagot mapatunayan ang kanilang inaakusa sa Pangulo na hindi naman aniya ginawa.
Sinabi din ni Abella na nakipagtulungan ang ehekutibo sa Senado kaugnay sa ginawang imbestigasyon sa issue ng Davao Death Squad at nagkakaroon naman aniya ng imbestigasyon ang Philippine National Police sa mga inasabing Extra Judicial Killings.
Sa huli ay binigyang diin ni Abella na hindi pakana ng gobyerno o sinusuportahan ang walang habas na patayan sa bansa na sinasabing epekto ng War on Drugs ng Administrasyong Duterte.
DZXL558