MANILA – Hindi ikinatinag ni senator jv ejercito ang kasong graft at technical malversation na isinampa laban sa kanya ng office of the ombudsman sa sandiganbayan.Kaugnay nito sa pagbili nya ng 2.1 million pesos na halaga ng high powered firearms noong 2008 habang sya pa ang alkalde ng san san juan city.Nakakalungkot ayon kau ejercito na hindi ikinonsidera ng ombudsman ang kanyang inihaing motion for reconsideration.Diin ng senador, malinis ang kanyang konsensya at wala syang nagawang anumang katiwalian, kaya tiyak na walang patutunguhan ang nabanggit na kaso.Nanindigan si ejercito na walang mali sa pagbili nila ng mga armas para sa san juan pnp dahil ang nabanggit na transaksyon ay tumugon sa nasasaad sa batas.Patunay aniya nito ang hindi pagiisyu ng commission on audit ng dissallowance.Naniniwala din ang senador na na may kinalaman sa labanan sa pulitika sa san juan ang hakbang ng ombudsman
Kasong Katiwalian Na Isinampa Ng Ombudsman, Hindi Ikinatinag Ni Senator Ejercito
Facebook Comments