Kasong kriminal laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino, pinagtibay ng Office of the Ombudsman

Manila, Philippines – Pinagtibay ng Office of the Ombudsman ang kasong kriminal laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino kaugnay ng pagkasawi ng SAF 44 sa Mamasapano, Maguindanao.

Tinanggihan kasi ng Ombudsman ang mosyon ni Aquino na ibasura ang mga kasong usurpation of authority at paglabag sa anti-graft and corrupt practices act laban sa kanya.

Nauna nang sinabi ng Ombudsman na may nilabag ang dating pangulo nang payagan niya si dating PNP Chief Allan Purisima na lumahok sa pagpa-plano ng ‘oplan exodus’ gayung suspendido ito sa serbisyo noong panahong na yun.


Maliban kina Aquino at Purisima, nahaharap rin sa kahalintulad na kaso si retired Director Getulio Napeñas na hepe ng SAF ng mangyari ang Mamasapano raid.

Facebook Comments