Kasong kriminal ng Wellmed Dialysis Center sa Philhealth fraud, ibinasura ng QC Court

Ibinasura ng Quezon City Court ang kasong kriminal na naisampa laban sa may-ari at Incorporators ng WellMed Dialysis Center may kinalaman sa umano’y Philippine Health Insurance Corporation fraudulent claims .

Ito ay makaraang paboran ng QC Regional Trial Court Branch 219 ang Motion to Quash na naisampa ng WellMed co-owner Dr. Bryan Sy kaugnay ng 17 Counts ng  Complex Crime ng Estafa  sa pamamagitan ng paggamit ng pinekeng Public Document na naisampa ng National Bureau of Investigation  at PhilHealth  laban kay Sy at Whistleblowers na sina Leizel Aileen De Leon, Edwin Roberto at iba pang hindi nakikilalang indibidwal.

Binigyang diin ng Korte na bagama’t ang halaga na sinasabing naloko sa PhilHealth ay mula lamang mula P5,200 hanggang  P39,000, ang maximum Imposable Penalty ng Estafa ng private individual sa ilalim ng  Revised Penal Code ay may hanggang 6 years imprisonment.


Ayon kay Abergos-Samar, ang kaso ay dapat naisampa sa Metropolitan Trial Court at hindi sa RTC dahil ang Penalty ng kaso ay hanggang 6 na taon lamang.

Nilinaw  naman ni Judge Abergos-Samar na ang kasong Kriminal ay dinismiss niya hindi dahil inosente ang mga akusado kundi nagkamali lamang Venue sa filing ng kaso laban sa mga akusado.

Wala aniya sa Jurisdiction ng RTC ang kaso kundi nasa hurisdiksiyon ito ng MTC para dinggin at desisyunan kung saan ang kaso aniya ay maaari pang maisampa sa tamang Korte .

Magugunitang noong June 14, 2019, kinasuhan ng Kriminal sa RTC si Sy makaraang sabihin ng whistleblowers  na inutusan lamang sila ni Sy na ihanda ang PhilHealth forms at pekehin umano ang mga dokumento para makakubra ng claim sa Philhealth ang mga namatay na pasyente na sinasabing nag-avail ng dialysis sessions sa Wellmed Dialysis Center.

Facebook Comments