KASONG KUDETA | DOJ panel, naghahanda na ng sagot sa mga ilalatag na ebidensya ni Trillanes

Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Department of Justice (DOJ) ang formal offer of evidence ng kampo ni Senator Antonio Trillanes sa kasong kudeta.

Binigyan ng Makati RTC Branch 148 ng hanggang October 9 ang kampo ni Trillanes para sa kanilang formal offer of evidence.

Magbibigay naman ng komento sa October 10 ang DOJ sa ihahain ng kampo ni Trillanes.


Kapag nakapagsumite na ng komento ang DOJ ay otomatiko nang submitted for resolution ang urgent motion ng DOJ na humihiling sa korte na maglabas ng warrant of arrest at hold departure order (HDO) laban kay Trillanes sa kaso nitong kudeta.

Kahapon tinapos na ng Makati RTC Branch 148 ang pagdinig sa mosyon ng DOJ.

Facebook Comments