KASONG MALNUTRISYON SA ILANG MAG-AARAL SA BAYAN NG CALASIAO, TINUTUTUKAN NG MGA PAARALAN

Hindi lamang learning o ang makapag-aral at matuto ang batid ng ilang paaralan sa bayan ng calasiao dahil isa na rin sa prayoridad ay ang kapakanang pangkalusugan ng mga mag-aaral bunsod ang napapansing pagdami ng malnourished na mga bata.
Alinsunod dito, nagsagawa at magpapatuloy ang proyektong feeding program para sa mga mag-aaral sa ilang paaralan sa calasiao na naglalayong matugunan ang problemang malnutrisyon at ang adhikaing hindi dapat maging sagabal ang kagutuman ng isang bata sa kanyang pag-aaral.
Ani ng mga guro, kung may laman ang tiyan ay may laman din ang utak. Bunsod din nito ang pagkawala ng atensyon sa pag-aaral ng mga bata dahil napag-alaman na ang ibang mga mag-aaral ay hindi na nakakakain ng almusal.

Bakas sa mukha ng mga batang mag-aaral na napabilang sa feeding program ang kanilang kasiyahan at batid din ng mga ito ang kahalagahan ng mga masusustansyang pagkain. |ifmnews
Facebook Comments