Kasong murder, isasampa laban sa mga suspek sa Percy Lapid killing

Kinumpirma ni Roy Mabasa, kapatid ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid na may magandang development sa takbo ng imbestigasyon ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa kaso ng pagpatay sa kaniyang kuya.

Ayon kay Mabasa, posibleng sa Biyernes o di kaya sa Lunes ay maisampa na sa korte ang kasong murder laban sa mga pumatay kay Ka Percy.

Sinabi rin ni Mabasa na malaking tulong sa development ng kaso ang autopsy findings na ginawa ng pathologist na si Dr. Raquel Fortun sa labi ng namatay na sinasabing middleman na si Jun Villamor.


Sa nasabing findings kasi lumalabas na pinatay si Villamor at hindi ito namatay taliwas sa naunang report ng mga awtoridad na may sakit ito sa puso na posibleng dahilan ng kaniyang kamatayan.

Nilinaw rin ni Mabasa na patuloy na nakakatanggap ng death threat ang isa sa mga anak na lalaki ni Lapid.

Kanina nagtungo sa DOJ si Mabasa para sa case conference kina Justice Secretary Crispin Remulla at NBI Director Medardo de Lemos.

Facebook Comments