Kasong murder o pagpatay, inihain laban sa 30 opisyal ng PNP kaugnay sa “Bloody Sunday” killings noong Marso 2021

Sinampahan ng kasong murder ang tatlumpung opisyal at tauhan ng Philippine National Police (PNP) kaugnay sa naganap na “Bloody Sunday,” na ikinasawi ng siyam na aktibista noong ika-pito ng Marso taong 2021.

Ang naturang insidente ay kinasangkutan ng paghahain ng “search warrants” ng pulisya laban sa mga aktibista na inakusahang mga miyembro ng komunistang grupo, at kalauna’y nauwi sa madugong patayan.

Kabilang sa mga naging biktima ay sina Manny Asuncion, Ariel at Ana Mariz Evangelista, Melvin Dasigao, Mark Lee Bacasno, Puroy at Randy Dela Cruz, Edward Esto, at Abner Esto.


Ang mga nasawi ay pawang mga miyembro ng iba’t ibang aktibistang grupo sa CALABARZON.

Matatandaang noong Enero, 17 pulisya ang hinainan ng kasong murder kaugnay sa pagpatay kina Ariel at Ana Mariz Evangelista.

Facebook Comments