Nadagdagan pa ng sampu ang mga kasong naitatala ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) kaugnay sa anomalya sa distribusyon ng cash aid para sa Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.
Sa ulat ng PNP-CIDG, simula April 1 hanggang July 16, 2020, umabot na sa kabuuang 310 na kaso ang kanilang naitatala.
Ang mga ito ay isinampa ng 642 complainants laban sa 941 suspek kabilang na rito ang 396 na elected public officials.
Sa 310 na kaso, 51 ay under investigation, 209 ay naisampa na sa iba’t ibang korte at pito ay inihahanda nang isampa.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang distribusyon ng second tranche ng SAP cash aid para sa mga pamilya na lubhang apektado ng community quarantine dahil sa COVID-19 pandemic.