Pumalo na sa 143 ang mga nagkakasakit ng Dengue sa Parañaque City kung saan isa rito ang nasawi kaya’t mas pinaigting ng Parañaque City LGU ang pagsasagawa ng fogging at misting operation sa mga barangay upang malabanan ang kumakalat na sakit na Dengue.
Ayon kay Parañaque City Health Office Head Dr. Himmler Cos, bagama’t umakyat sa 143 ang mga kaso ng Dengue, bumaba umano ito kumpara noong nakaraang taon kaya’t mas dinoble pa rin nila ang ginagawang paalala sa mga residente na linisin ang kanilang mga kapaligiran upang maiwasan ang sakit na dala ng lamok.
Binigyan diin ni Dr Cos na dapat manatiling malinis ang ating kapaligiran upang walang mapamahayan ang mga lamok na nagdadala ng sakit na Dengue.
Facebook Comments