Kasong panggagahasa laban kay Lopez Quezon Arkie Yulde, hindi political propaganda

Itinanggi ng Pangasinan-based journalist na si Jaime Aquino na ang kasong panggagahasa laban kay Lopez Quezon Arkie Yulde ay mga gawa-gawa lamang.

Ayon kay Aquino, hindi totoong political propaganda o vendetta ang naturang kaso na isinampa sa Pangasinan.

Inabswelto rin ni Aquino sina Congresswoman Helen Tan at asawa nitong si DPWH Director Ronnel Tan at sinabing wala silang kinalaman sa kaso ni Yulde.


Taliwas ito sa pahayag ng kaniyang anak na si Justine na gawa-gawa na lamang ang kaso.

Giit ni Aquino, ginagamit lamang ng mga kalaban sa politika ang kanyang anak.

Setyembre 2021 nang arestuhin ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si Yulde sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Roselyn Andrada-Borja ng Regional Trial Court Branch 53 sa Rosales, Pangasinan.

Facebook Comments