Kasong perjury laban sa mga respondents sa Dacera case, ibinabala ng NCRPO

Ibinabala ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang posibleng kasong perjury laban sa mga respondents sa Dacera case.

Ayon kay NCRPO Director Police Brigadier General Vicente Danao, sinumpaan ng naturang respondents ang kanilang pahayag.

Pero nang humarap ang mga ito sa media, nag-iba ang kanilang mga kwento.


Binigyang diin pa ni Danao na hindi naman nabanggit ng naturang mga respondents sa kanilang social media posts na sila ay tinorture o sinaktan ng mga pulis.

Matatandaang sa isang press conference, binawi ni Rommel Galido, isa sa mga respondents, ang pahayag na mayroong ‘powder drugs’ sa kanilang New Year’s Eve party, at iginiit na resulta ito ng pamimilit ng mga pulis na magsinungaling, kapalit ng kanilang paglaya.

Facebook Comments