Kasong perjury laban sa Tiger Resorts executive, binasura ng piskalya

Ibinasura ng prosecutor ang mga kasong perjury na isinampa ng kumpaya ni Japanese gaming Tycoon Kazuo Okada na Aruze Phils. Manufacturing Inc. (APMI) laban sa Chief Executive Adviser ng Tiger Resort Leisure & Entertainment Inc., ang may-ari Okada Manila.

Kasama si Okada, inakusahan ng TRLEI ang APMI ng estafa dahil sa pagpanggap nito bilang manufacturer ng Light Emitting Diode (LED) strips para sa Okada Manila.

Sa isang resolution, sinabi ni Las Pinas City Senior Asst. Prosecutor Donald Macasaet na walang elemento ng perjury sa reklamo na isinampa ni TRLEI executive Dindo Espeleta laban sa Aruze.


Idinemanda ng APMI si Espeleta ng perjury sa pagsabi sa isang estafa case laban sa  APMI na nanloko ang kumpanya nito.

Una nang nagpalabas ang korte ng arrest warrant laban kay Okada dahil sa sinasabing illegal na paglustay ng milyun-milyong pondo ng  Okada Manila sa Paranaque.

Facebook Comments