Kasong plunder na isasampa ng BuCor laban kay Gen. Bantag, plantsado na

Tiniyak ni acting Bureau of Corrections (BuCor) Chief Gregorio Catapang na isasampa na nila sa mga susunod na araw ang kasong plunder laban kay suspended BuCor Chief Gerald Bantag.

May kaugnayan ito sa kuwestiyonableng pagpapalabas ng pondo para sa construction ng prison facilities na nagkakahalaga ng ₱1 billion.

Ayon kay Catapang, sa darating na Biyernes o ‘di kaya ay sa susunod na linggo nila isasampa ang plunder case laban kay Bantag.


Aniya, hawak na nila ang ebidensya na magpapatunay na nailabas na ang ₱300 million na bahagi ng pondo kahit na hindi pa tapos ang proyekto.

Nakipagpulong na rin si Catapang sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) para plantsahin ang paghahain ng kaso laban kay Bantag.

Sisilipin din ng AMLC ang bank accounts ni Bantag at ng kanyang pamilya para malaman kung nailipat ang bahagi ng P300 million na pondo na para sana sa proyekto.



Facebook Comments