Kasong Plunder ni Napoles, malakas ayon kay Sec. Panelo

68

Manila, Philippines – Naniniwala si Presidential LegalCounsel Secretary Salvador Panelo na malakas ang kaso laban kay Janet LimNapoles na Plunder o Pandarambong dahil sa PDAF Scam.
Ito naman ay sa kabila ng pagkakabasura ng Court ofAppeals sa kasong illegal detention ni Napoles na isinapma sa kanya ni BenhurLuy. 
Ayon kay Panelo, sa pagkakataong ito ay may malakas nakaso laban kay Napoles at base narin aniya ito sa mga pahayag nila SolicitorGeneral Jose Calida at mula din sa Ombudsman.
Sinabi pa nito na matibay din ang ebidensiya na hawak ngprosekusyon sa kaso.
Pero sinabi din naman ni Panelo na korte parin naman angmagdedesisyon sa kaso ni Napoles.
   

Facebook Comments