Kasong possession of illegal drugs laban kay Julian Ongpin, ibinasura ng korte sa San Fernando, La Union

Ibinasura ng Regional Trial Court sa San Fernando, La Union ang kasong possession of illegal drugs na isinampa laban kay Julian Ongpin, anak ng businessman na si Roberto Ongpin.

Batay sa inilabas na resolusyon, walang sapat na ebidensiya sa kaso laban kay Ongpin kung lumabag ba ito sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Noong October 18 nang inireklamo si Ongpin ng paggamit ng droga matapos makita ang 12 gramo ng cocaine sa kwarto nito sa La Union kung saan natagpuan patay ang artist girlfriend nito na si Bree Jonson.


Ayon sa korte, wala sa kwarto si Ongpin nang madiskubre ang droga habang hindi rin pirmado ng witness na si Joselito Niebres ang mga ebidensiyang isinumite sa korte.

Matatandaang itinuturong person of interest si Ongpin sa pagkamatay ng artist ni Jonson na una na ring inilagay sa precautionary hold departure order.

Facebook Comments