Kasong Rape Sa Pagadian City Umakyat

6

PAGADIAN – Umakyat ang bilang ng kasong rape sa lungsod ng Pagadian base sa ulat na nilabas sa Women and Children Protection Desk sa Pagadian City Police Station.Sa nakaraang taon 2015 nakapagtala ang nasibing opisina ng limang kasong rape, sa ngayon sinabi ni Police Inspector Lerma Boron ang hepe ng WCPD, sa unang quarter palang sa kasalukuyang taon nakapagtala na sila ng tatlong kaso ng panggagahasa.Nabatid na nitong buwan ng pebrero may inang lumapit sa opisina nagsumbong na ginahasa ang kanayang anak na babae at ang supek ay ang anak nito na lalaki.Aniya,nakatanggap din sila nga ulat ng kasong rape na ang responsible ay ang sariling ama nito.Ang rekomendasyon at paalala ni Boron, huwag itiwala ang mga anak na babae sa kanino man upang hindi ito mabiktima. (RMN DXPR PAGADIAN KENNETH BUSTAMANTE)

Facebook Comments