Kasong Rape, Top Crime sa Isabela

Cauayan City, Isabela-Nanguna ang kasong Rape o Panggagahasa sa may pinakamataas na bilang na naitala ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) kasabay ng Joint Meeting ng Provincial Development Council (PDC), Provincial Peace and Order Council (PPOC), Provincial Anti-Drug Abuse Council (PADAC), Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict (PTF-ELCAC), Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at Provincial Task Force on COVID-19 sa Provincial Capitol Amphitheater, Alibagu, City of Ilagan, Isabela ngayong araw, Oktubre 20, 2021.

Inihayag ni IPPO Provincial Director PCol. James Cipriano, mula sa 202 index crime na naitala mula January 1 hanggang September 30, 2021, ang kasong rape ang nanguna sa listahan na mayroong 58 incidents, sinundan ng Theft at Physical Injury habang carnapping partikular ang mga motorsiklo ang naitalang mababa sa listahan na naitala ng PNP.

Napanatili naman ng PNP Isabela ang pagiging ranked no. 1 regionwide para sa Synchronized Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) na inisyatibo ng Police Regional Office 2.


Malinaw umano na indikasyon ito ng epektibong QUAD operations ng IPPO.

Bukod dito, naitala naman ng Isabela PPO ang malaking pakinabang sa pagpapaigting na kampanya laban sa insurhensiya matapos ang ginawang pag-aresto noon sa limang miyembro ng PSTRG na kabilang sa listahan ng Communist Terrorist Group (CTG) ng silbihan ng warrant of arrest.

Samantala, katuwang rin ang PNP sa pagpapatupad ng implementasyon sa HealthGuard app na isang hakbang alinsunod sa EO 27 na layong mapabilis ang contact tracing sa bawat indibidwal na pumapasok sa mga border checkpoint kung saan mayroon ng 2, 931 individuals ang registered na sa application.

Umapela naman ito sa mga Isabeleños na magrehistro sa HealthGuard app upang mapalawak ang paggamit nito.

Facebook Comments