Manila, Philippines – Hiniling ngayon ng inakusahang recruiter ng teroristang grupong ISIS na ibasura ang mga kasong rebelyon at pag-uugyok ng rebelyong kinakaharap niya.
Sa kanyang isinumiteng counter affidavit, iginiit ni Karen Aizha Hamidon na nauudyukan lamang siya ng ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na gawin ang krimen.
Ayon kay Hamidon, nakilala niya ang isang “J.A.” na ahente umano ng NBI sa facebook noong September 2016 kung saan ginamit lang daw siya at wala siyang kaalam-alam kung ano ang plano nito.
Sinabi pa ni Hamidon na wala siyang ginawang rebellion at inciting rebellion dahil kailanman ay hindi siya nag-armas laban sa gobyerno at walang ebidensya na siya ay tumiwalag sa pamahalaan.
Si Hamidon ay kinasuhan ng NBI-counter-terrorism Division ng 296 na bilang ng inciting rebellion.