Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na libreng ipinamamahagi ang COVID-19 vaccines sa bansa.
Ito ang sinabi ng Pangulo sa harap ng mga ulat na may mga nagbebenta ng bakuna at vaccination slots.
Sa kanyang Talk to the Nation Address, sinabi ng Pangulo na walang babayaran ang publiko kapag nagpabakuna.
Dagdag pa ng Pangulo, ang pagbebenta ng bakuna ay labag sa prinsipyo ng pagkakaroon ng patas na pamamahagi ng bakuna.
Babala niya, ang sinumang masasangkot sa ilegal na pagbebenta ng bakuna ay mahaharap sa kasong theft.
Kapag ang government official ang nadawit sa modus, maaari silang patawan ng paglabag sa anti-graft law.
Inatasan ni Pangulong Duterte ang Department of Justice (DOJ) na tukuyin ang mga kasong pwedeng isampa laban sa mga masasangkot sa illegal vaccine sale.