Patuloy ang paalala ng awtoridad partikular ang opisina ng Commission on Elections o COMELEC at hanay ng kapulisan kaugnay sa ilang mga talamak na nalalabag na kaso ngayon sa papalapit na halalang pambarangay.
Isa na rito ang premature campaigning na higit nakakatanggap ng mga Barangay at SK Aspirants na may paglabag sa nasabing kaso.
Sa lalawigan ng Pangasinan, ilang mga kumakandidato na rin ang napapadalhan ng show cause order upang magpaliwanag at mapatunayan kung lumabag o hindi ang mga ito sa naturang reklamo.
Binabantayan din ang kaso ng vote buying dahil ilang mga reports ang natatanggap na umano ng tanggapan kaugnay dito.
Mapatunayang nilabag ang nasabing kautusan ay madiskwalipika ang candidacy maging hindi na pinahihintulutan sa kahit anumang posisyon upang makapagtrabaho sa gobyerno.
Samantala, sa darating na Oct. 19-28 ang itinakdang Campaign Period at Oct. 30 naman para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. |ifmnews
Facebook Comments