*Cauayan City, Isabela*- Nakiisa ang 48th Infantry Batallion sa isinagawang send-off ceremony sa Pampanga Provincial Police Office at Bulacan Provincial Police Office para sa idaraos na 30th South East Asian (SEA) Games 2019.
Pinangunahan ito ng mga Provincial Directors na sina Police Colonel Jean Fajardo ng Pampanga at Police Colonel Chito G. Bersaluna ng Bulacan.
Aabot naman sa mahigit dalawang libong unipormadong katao gaya ng pulis at kasundaluhan ang inaasahang ipapakalat sa mga lugar sa Pampanga particular sa Angeles City at San Fernando habang mahigit kumulang sa isang libo naman sa lalawigan ng Bulacan particular sa Bocaue kung saan nakalokasyon ang Philippine Arena kung saan idaraos ang pagbubukas ng SEA Games 2019.
Ayon kay MGen. Lenard Agustin, Commander ng 7th Infantry Division Philippine Army,ang SEA Games ay isang malaking oportunidad para maipamalas ang talent at abilidad ng isang manallaro sa kani-kanilang mga laro.
Dagdag pa nito na ito ay pagpapakita lamang ng pagkakaisa sa magandang ugnayan mula sa ibang bansa.
Tiniyak naman ng pamunuan ng 7ID ang seguridad ng lahat ng delegado sa nasabing aktibidad.
Ayon naman kay Lieutenant Colonel Felix Emeterio Valdez, Commanding Officer ng 48IB, isang karangalan na maging bahagi ng SEA Games at tiniyak nito na ang lahat ng atleta ay mananatiling ligtas habang idinaraos ang aktibidad.
Magsisimula na 30th South East Asian Games sa darating na November 30, 2019.