KASUNDUAN | DOLE, bumuo na ng TWG ukol sa deployment ng OFW sa Russia

Manila, Philippines – Bumuo na ng Technical Working Group (TWG) ang Department of Labor and Employment (DOLE) para magsagawa ng pulong sa pagbuo ng kasunduan para sa deployment ng mga OFW sa Russia.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, patuloy ang pag-uusap kasama ang Russian federation dahil ang kanilang bansa ang magsisilbing alternatibong destinasyon ng mga manggagawang Pinoy na gustong magtrabaho abroad.

Ani Bello, nangangailangan ang Russia ng construction at household service workers.


Trabaho aniya ng TWG na magtatag ng policy consultation sa pagitan ng Pilipinas at Russia.

Bukod dito, pangungunahan din ng grupo ang orientation sa mga Russian employer at recruitment agencies patungkol sa mga umiiral na batas ng Pilipinas hinggil sa OFW deployment.

Facebook Comments