Handa ang Depatment of National Defense (DND) na ibasura ang kasunduan sa pagitan ng AFP at ng ikatlong telecom player na Dito Telecommunity Corp., Kung magiging banta ito sa National Security.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kailangan muna dumaan sa kanya ang kasunduan at mapag-aralang mabuti ito.
Sa ilalim ng kasunduan, magtatayo ang ikatlong telco ng pasilidad nito sa loob ng mga kampo ng militar.
Una nang tiniyak ng dito Telecommunity na hindi gagamitin ang kanilang pasilidad para kumuha ng Classified Information.
Facebook Comments