Makakabuo ng kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa pagbisita sa bansa ng Prime Minister ng Japan.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa bagong Pilipinas ngayon.
Ayon sa kalihim, sa susunod na buwan ay nakatakdang bumisita sa bansa si Japan Prime Minister Fumio Kishida at inaasahang pipirma sa kasunduan may kaugnayan sa bilateral defense ang Pilipinas at Japan.
Ito ay sa harap na rin ng panibagong pangha-harass ng Tsina sa nagresulta sa banggaan ng Philippine vessel at Chinese vessel sa West Philippine Sea (WPS).
Umaasa ang kalihim na uusad ang reciprocal access agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Siniguro rin ni Teodoro, ang tuloy-tuloy na security engagement sa iba’t ibang bansa kabilang ang exercises at joint sails at paiigtingin ang multi-lateral cooperation sa freedom of navigation at sovereignty operation sa West Philippine Sea.