KASUNDUAN NG R1MC AT CITY LGU DAGUPAN BILANG PARTNER REFERRAL HOSPITAL ALINSUNOD SA UNIVERSAL HEALTH CARE LAW, NILAGDAAN NA

Pormal nang lumagda ang local government unit ng Dagupan City sa isang kasunduan o memorandum of agreement (MOA) sa Region 1 Medical Center (R1MC) para sa isang partnership kung saan ito ay magsisilbing referral apex na ospital ayon sa mandato sa ilalim ng Universal Health Care (UHC) Act.
Ayon kay Dr. Joseph Roland Mejia, Chief Director ng R1MC, ang mga pasyenteng ire-refer ng pamahalaang lungsod sa R1MC ay magiging sakop ng No Balance Billing Policy, kung saan nakasaad sa Philhealth circular 2020-0024 na sa pamamagitan ng NBB, walang ibang bayad o gastos ang sisingilin sa indigent patient at sa pagpasa ng UHC Act.
Ang Philhealth ay magsisilbing financial risk protection para sa lahat ng Pilipino.

Ang Dagupan City naman Ang kauna-unahang UHC Integration Site sa Rehiyon 1 at isa rin sa mga unang lugar ng implementasyon ng kasunduan sa bansa.
Pinangunahan ni Mayor Belen Fernandez ang pagpirma kasama ang R1MC Chief Dr. Joseph Roland Mejia, City Health Officer Dr. Ophelia Rivera at R1MC Chief of Medical Professional Staff Dr. Arnel Gerard Gazmen.
Samantala, isang hiwalay na MOA naman Ang pinirmahan kung saan ang R1MC ay magsisilbing isang molecular laboratory para sa mga pagsusuri sa Covid-19.
Kilala rin bilang Republic Act 11223, ang UHC Law ay naglalayong tiyakin na ang bawat Pilipino ay malusog, protektado mula sa mga panganib at panganib sa kalusugan, at may access na abot-kaya, de-kalidad at madaling magagamit na serbisyong pangkalusugan na angkop sa kanilang mga pangangailangan. |ifmnews
Facebook Comments