MANILA – Nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang kasunduan para pag-ibayuhin ang kooperasyon sa depensa.Ito ay nilagdaan nina National Defense Secretary Voltaire Gazmin at Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhide sa isinagawang signing ceremony sa Quezon City.Ang nasabing kasunduan ay magbibigay ng pahintulot sa paglilipat ng mga military equipment at defense technology sa Pilipinas mula Japan.Hindi naman matukoy ang partikular na mga military equipment na dadalhin ng Japan sa Pilipinas.Nabatid na ang Pilipinas ang pinakaunang Southeast Asian Country na lumagda sa nasabing agreement kasama ang Japan.
Facebook Comments