Pinaplantsa nang pamahalaan ang isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa deployment ng mga uniformed personnel sa harap ng pagkakasakit ng maraming health workers matapos tamaan ng COVID-19.
Sa Laging Handa Public press briefing, sinabi ni Department of Health (DOH) Undersecretary Leopoldo Vega na ang kasunduan ay ginagawa sa pagitan ng Health Department, Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP).
Layunin nito na maging mabilis ang mobilization at makatulong kaagad ang mga uniformed personnel sa mga rehiyon na nangangailangan ng manpower.
Dito sa Metro Manila, binanggit ni Vega na nasa 3,114 na ang bilang ng mga healthcare workers ang naka- isolate noong January 12, kung saan 11% ito ng kabuoang bilang ng mga medical workers na nasa government institution dito sa National Capital Region (NCR).
Sa pamamagitan aniya ng nasabing MOA, makakatulong ito upang mapunan ang anumang magiging kakulangan sa workforce ng mga medical workers dahil sa gagawing deployment sa mga uniformed personnel.