Kasunduan para sa mas pagpapaganda ng weather forecasting system sa Pilipinas,  nilagdaan ng DOST at AI Meteorology company Atmo Inc. sa Amerika

Pumirma ng kasunduan ang nangungunang Artificial Intelligence (AI) Meteorology Company Atmo Inc. sa Estados Unidos at Department of Science and Technology (DOST) para sa pagpapataas ng kalidad ng weather forecasting system sa Pilipinas gamit ang AI technology.

Ang paglagda nina DOST Undersecretary Maridon Sahagun, at Atmo Inc. Founder and CEO Alexander Levy ay sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa San Francisco, California na sidelines sa Asia-Pacefic Economic Cooperation (APEC) Summit.

Ayon kay Pangulong Marcos Jr., ang partnership na ito ay malaking tulong sa Pilipinas para makabuo ng climate resilience.


Lalo’t ayon sa pangulo ay nakararanas ng 20 bagyo kada taon ang Pilipinas na nagreresulta sa matinding pagbaha na nakakapinsala sa bilyong halaga ng mga infrastracture at agrikultura, ari-arian at matindi ang pagkamatay dahil sa bagyo.

Batay sa rekord ang Pilipinas ay nakaranas ng 17 bagyo mula noong July 2022 hanggang May 2023.

Facebook Comments