Tiniyak ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na matutuloy ang pagtatayo ng mega vaccination site sa Nayong Pilipino.
Ayon kay Nograles, anumang araw ay lalagdaan na ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagtatayo ng mega vaccination site sa Nayong Pilipino.
Aniya, may maliliit na detalye na lang na inaayos ang Government Corporate Counsel hinggil dito.
Sinabi rin ni Nograles na napag-aralan na rin ng Department of Tourism (DOT) at Department of Health (DOH) ang nasabing kasunduan.
Samantala, simula Sabado, Mayo 15 ay magsisilbing mega vaccination site ang Smart Araneta Coliseum sa Quezon City kung saan target na maibigay ang 1,000 hanggang 1,500 bakuna kada araw.
Paliwanag ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, kabilang ito sa 24 vaccination sites na target maitayo sa lungsod.