Tuesday, February 17, 2026

Kasunduan para sa pagpapalawak ng farm Tourism sa bansa, sinelyuhan ng DA at DOT

Sinelyuhan ng Department of Agriculture (DA) at Department of Tourisim (DOT) ang kasunduan para sa pagpapalakas ng Farm Tourism sa bansa.

Sa nilagdaang Memorandum of Agreement (MOA) nina Tourisim Secretary Chriatina Garcia Frasco at Agriculture Secretary Franciaco Tiu Laurel Jr., nakasaad ang layon nitong pag-ugnayin ang produksyon ng pagkain at turismo.

Sa ilalim ng kasunduan, magtutulungan ang dalawang kagawaran pagdating sa pagpapalawak ng farm Tourism destinations, pagpapakilala o promosyon sa lutong Pilipino, at pagsasama ng prayoridad ng agrikultura sa Tourism planning.

Kabilang dito ang pag-aangkop ng farm-to-road projects sa Tourism circuits sa ilalim ng Tourism Road Infraatructure Program na makatutulong sa pagpapabuti ng access sa mga sakahan at sa pagpapalakas ng logistics ng mga magsasaka.

Ayon kay Tiu Laurel Jr. na ang hakbang na ito ay hindi lamang pagdaragdag ng tourist stops kung hindi para makalikha ng matatag na demand para sa lokal na ani at maisama ang agrikultura sa mas malawak na services economy.

Dagdag pa ng kalihim na kapag tuloy-tuloy ang pagkuha ng mga hotel at restaurant ng suplay mula sa lokal na magsasaka, mas mapapasigla nito ang pamumuhunan at makalilikha ng trabaho.

Kaugnay nito, bubuo ng Joint Technical Working Group na siyang mangangasiwa sa implementasyon at koordinasyon ng mga stakeholder.

Facebook Comments