
Sasaksihan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglagda sa kasunduan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at mga lokal na pamahalaan para sa malawakang pagpapatayo ng mga silid-aralan sa buong bansa.
Layunin ng programa na matugunan ang kakulangan sa classrooms, mabawasan ang siksikan sa mga pampublikong paaralan, at alisin ang shifting schedules.
Sa unang yugto, may nakalaang ₱9.6 bilyon mula sa panukalang 2026 National Budget para sa pagtatayo ng humigit-kumulang 4,000 silid-aralan.
Bago ang Memorandum of Agreement (MOA) signing, pangungunahan din ng pangulo ang paglulunsad ng programang “Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang,” isang inisyatiba ng administrasyon na layong tiyakin na ang mga proyekto at pondo ng pambansang pamahalaan ay direktang napapakinabangan ng bawat probinsya, lungsod, at bayan sa buong bansa.










