Kasunduan para sa pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, pinirmahan na ng Pilipinas at Indonesia ngayong Biyernes

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na opisyal na ang pag-uwi ni Mary Jane Veloso sa Pilipinas.

Ito ay makalipas ang 14 na taon na pananatili niya sa Indonesia matapos makulong dahil sa mga kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, pirmado na ang kasunduan para sa official transfer ni Mary Jane Veloso pauwi ng bansa.


Bagama’t walang binanggit na petsa kung kailan, umaasa ang mga awtoridad na matuloy ito bago mag-Pasko.

Sinabi naman ni Justice Undersecretary Raul Vasquez na sakaling makauwi na sa bansa ay nasa Pilipinas na ang kustodiya kay Veloso.

Ibig sabihin, ang Bureau of Correction (BuCor) na ang bahala kay Veloso at ituturing siya gaya ng ibang Persons Deprived of Liberty.

Hindi pa naman tiyak kung sa ospital o sa piitan na didiretso si Veloso oras na makauwi na ito sa bansa.

Facebook Comments